Header AD

Sa ika-40th Birthday, Sen. Pacquiao nagpa-raffle ng mga sasakyan pera at iba pa

Nagpa-raffle ng mga sasakyan, appliances, cash at iba si Senador Manny Pacquiao sa kanyang 40th birthday kahapon (December 17).

Dinagsa ng napakaraming tao ang isang mall sa General Santos City, kung saan idinaos ang pa-raffle ng pambansang kamao sa kanyang mga kababayan.

Kabilang sa mga ipinamigay ni Pacquiao ay nasa apat na mamahaling sasakyan, mga motorsiklo, mga TV set, cellphones at aabot sa P100,000 na cash.

Si Pacquiao, tubong-General Santos City, ay kilala sa pagiging “generous” o mapagbigay nito.

Sa Instagram story naman ni Jinkee Pacquiao, binati nito ng “Happy birthday, Babe” ang kanyang mister.

Nagkaroon ng concert para sa 40th birthday ni Senator Manny, na dinaluhan ng mga malalapit nila kaibigan, mga politiko at celebrities.

Si Pacquiao ay nakatakdang magbalik-training para sa kanyang boxing match kontra Adrien Broner sa Las Vegas, Nevada sa January 19, 2019.


Source: Inquirer
Sa ika-40th Birthday, Sen. Pacquiao nagpa-raffle ng mga sasakyan pera at iba pa Sa ika-40th Birthday, Sen. Pacquiao nagpa-raffle ng mga sasakyan pera at iba pa Reviewed by ­ on December 18, 2018 Rating: 5