Header AD

Presyo ng prutas, paputok nagtaasan na 1 araw bago ang bisperas ng 2019


Para sa mga planong dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX), asahan ang patuloy na pagbigat ng traffic sa bandang Bocaue, Bulacan dahil sa pagpasok at paglabas ng mga motoristang bumibili ng mga paputok.

Tila one-stop shop kasi ang mga compound sa Barangay Tubo, Bocaue, Bulacan na dinarayo pa ng mga galing Zambales, Baguio, Ilocos, at Cavite para sa mga tindang paputok.

Kahit tumaas nang hanggang 30 porsiyento ang presyo ng mga ito ay mabili pa rin dahil bukod sa tradisyon na ay mas masaya umanong salubungin ang Bagong Taon kapag maingay at makulay.

Paalala ng mga nagtitinda, basahing maigi ang instruction bago paputukin.

Samantala, sa Lunes o bisperas ng Bagong Taon naman inaasahang labis na tataas ang presyo ng mga paputok.

Paalala naman ng Bureau of Fire Protection na tiyakin ang kaligtasan at magpaputok lang sa itinalagang "firecracker zones."
Presyo ng prutas, paputok nagtaasan na 1 araw bago ang bisperas ng 2019 Presyo ng prutas, paputok nagtaasan na 1 araw bago ang bisperas ng 2019 Reviewed by ­ on December 30, 2018 Rating: 5