Header AD

Mataas na rating ni Duterte ipinamukha sa mga kritiko — Palasyo


Ipinamukha ng Malacañang sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na satisfaction rating nito sa huling quarter ng taon.

Kasunod ito ng fourth quarter survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan 74% ng mga adult Pilipino ang kuntento sa performance ng Pangulo, mas mataas sa 70% na nakuha nito noong Setyembre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang patuloy na mataas na satisfaction rating ng Pangulo ang magpapatunay na walang batayan ang bintang ng kanyang mga kritiko.

Magsisilbi rin itong malakas na mensahe sa mga dayuhang human rights groups at mga dayuhang bansa na nakikialam sa panloob na usapin ng Pilipinas.

“The consistent satisfaction rating of President Rodrigo Duterte puts a lie to critics and detractors who find nothing good in his style of governance,” ani Panelo.

Ang malakas na suporta ng mga Pilipino sa Pangulo aniya ang magsilbing rason para itigil na ng mga kritiko ang kanilang walang basehang akusasyon sa war on drugs ng Presidente.

“The support of the Filipinos for our Chief Executive also sends a strong message to foreign human rights groups and foreign go­vernments to put a stop to their baseless and unkind accusations on his war on drugs.

In addition, the survey result is a slap on their faces for their outrageous intrusion on the sovereignty of our country,” dagdag pa ni Panelo.

Source: Abante
Mataas na rating ni Duterte ipinamukha sa mga kritiko — Palasyo Mataas na rating ni Duterte ipinamukha sa mga kritiko — Palasyo Reviewed by ­ on December 30, 2018 Rating: 5